Tuesday, April 26, 2011

Pagsulat ng Tula

The Soil Tiller invited me again last April 12 as a resource speaker in Literary Writing (Pagsulat ng Tula) in their Journalism Seminar-Workshop. I'm very glad to be with my pubmates again. I'm also glad because I shared my knowledge, skills and thoughts to the new set of editors and staffs of the pub.

Narito ang ilang mga bagay na sinabi ko sa kanila na sana ay natandaan nila dahil maari rin nila itong maiapply sa kahit na anong uri ng sulatin ang gagawin nila.

  • Kung gusto mo talaga magsulat, magbasa at magsulat ka lagi, dapat ay patuloy at walang hanggan.
  • Kung gusto mong makasulat ng magandang tula dadaan ka muna sa pagsulat ng maraming di masyado kagandahang tula, hindi pwedeng maganda kaagad. Kailanagan masanay ka muna at doon ka matututo at kapag tumagal na magugulat ka na lang na nakagawa ka na ng magandang tula.
  • Sa pagsusulat kailangan mo ng inspirasyon, marami ka pwede paghugutan nun at hindi lang lagi ang boyfriend o girlfriend mo.
  • Lahat ng nakapaligid sa iyo pwede mo gamitin sa pagsusulat mo, kahit maliit o walang kwenta sa ibang tao dapat mo makita doon ang hindi nakikita ng iba. Ipakita mo sa mambabasa ang 'di nila makita. Bigyan mo 'yon ng magandang kahulugan.
  • Gumawa ka ng sarili mong estilo. 
  • Lahat ng bagay konektado sa isa't-isa, nasa kamay mo kung paano mo sila mapagdudugtung-dugtong.
  • Kapag nagsulat ka, huwag mong isipin ang sarili mo, isipin mo ang mga makakabasa ng isinulat mo. Kailangan na maintindihan nila ang isinulat mo.
Narito naman ang isa mga tula ko na ginamit kong halimbawa sa kanila.

092609/100309

Nagngangalit ang hanging
       walang habas
                       na nagpapaindayog
sa mga puno't halaman.

Nagmamaktol ang ulang
       walang tigil
              sa pagbayo
sa ating mga Pilipino.

Nagtatampo ang tubig
                       sa walang pasintabing
               nakikituloy
sa ating mga bakuran.

Naghihimagsik ang lupang
         walang awang
                 tumabon
sa mga munting pangarap.


Nagmamalupit ang hanging
          walang habas
                  na tumatangay
sa kalawanging yero.
 
Nag-aatungal ang ulang
       walang tigil
                   sa paghagupit
sa masang lalong nalumpo.

Nananagasa ang tubig
                      na walang pasintabing
              nangingitil
ng iba't-ibang uri ng tao.

Nagrerebolusyon ang lupang
            walang awang
               naninira
sa pamilya't tahanan.

Naghihiganti ang kalikasan 
             na walang piniling
                 biktima,
sa kalupitan na rin ng tao

Naghihiganti ang kalikasan
              na walang piniling
                                  dagukin at lugmukin
sa pamamagitan ni Ondoy at Pepeng.
Narito naman ang ilang tula na napili ko na gawa ng mga umattend sa journalism seminar.

Paano
by: Marielle Apolinar

Paano ako gagwa ng tula?
Kung sa unang patak pa lang 
ng aking pluma
ay agad na nilang tawa.

Paano ako magpapahayag?
Kung ang kanilang
matatalim at mapanuring mata
ay agad na namumuna.

Paano ako tatayo sa sariling mga paa?
Kung ang mga tao 
sa paligid ang sýang sasaksak
sa aking mga mata.


What if?
by: CecileTrinanez

What if Monalisa cry?
Will you comfort her?
or just run 
because of fright?

What if fishes fly?
or birds swim?
Would you think you're daydreaming
When you're damn awake and wandering?

What if the government takes charge,
help the poor or feed the hungry?
Will our country finally escape
from the undying poverty?

And what if my pen
stops writing for a moment?
Can I finish this poem?
Will you be able to read this?


Ang Manunulat
by: Yosef Hipolito

Dakilang manunulat
Silaý instrumento nating lahat
Upang tayo ay mamulat
Sa mga balitang kumakalat.

Silaý dapat gantimpalaan
ng ating lipunan
dahil silaý nakatutulong sa 
ating araw-araw na talastasan.

Nandiyan sina Plaridel, Taga-ilog at Pingkian
na sumulat ng mga nag-aalab
n pahayagang tumuligsa 
sa mga dayuhan.

Sulat dito, sulat doon
ang kanilang husay ay naroroon
Ngayon man o noon
Silaý maaasahan sa paglipas ng panahon

Mnunulat ng komiks man o aklat
silaý bumabanat,
hindi lang para magkalat
kundi para na rin tayo ay mamulat.



If Only
by: Fernando Dionisio

I can't help but see myself
    looking unto you
Wondering what you're thinking
Am I the one you're dreaming?

I can't help myself from falling in love
    with somebody like you
Do I have a chance if I tell you this?
"I love you since I met you."

Every night when I'm about to sleep
     I pray to God
that somewhere, somehow
There will be "you and I"

Hoping...

But the reality is...
You and I will never be
You're not here beside me
You're with someone else.

If only...

Tulay (3rd)
by: Jobhert Pastrana

Ballpen at papel ang sandata nila
     manunulat ang tawag sa kanila
Malaya tayong makapagpapahayag
     sa tulong nila.

Tulay sa pagbabago
Tulay sa pagkakaisa
Tulay sa pag-unlad at 
Tulay sa makabagong Pilipinas.

Mahalaga ang papel
       na ginagampanan nila
Mga campus journalist
       kailangan natin sila.


Broken Strings (2nd)
by: Lea Jane Rodriguez

My guitar weeps
As I strum its strings
Broken melodies
Together we sing
You'll never know
Unless we start
As I sing to the beat
of your broken heart
I was shocked at the sight
Of my bloodstained finger
The memory of your death
In my mind still lingers
Music is what you breathe
But to you, I can no longer sing with
Cry me a hymn,
And I still want to die with him
Now my life is a ruin...
I just want to say...
When I die, put my guitar in my coffin.

Kung Naging Babae L:ang Ako (1st)
by: Aldhe Cruz

Sana nakapagsusuot din ako ng mini skirt at spaghetti.
Sana katanggap-tanggap na paborito koý si Hello Kitty.
Sana panloob koý hindi brief, kundi panty.
Kung naging babae lang ako, ako sana ngayoý happy.

Hindi sana ako maiinggit sa mga umbok sa inyong dibdib.
Sana taguri nila sa akin ay hindi Adan, kundi Eve.
Sana akoý sa bahay lang at hindi nag-iigib.
Kung naging babae lang ako, sa girl sana akoý aanib.

Sana mapaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Rocco.
Sana hindi ako inuutusan ni tatay na umakyat ng buko.
Sana katawan koý balingkinitan, hindi barako.
Sana...kung naging babae lang ako.




No comments:

Post a Comment