Thursday, April 28, 2011

Sakripisyo (Penitensya, Mahal na Araw 2011)

DAMPOL 2ND, PULILAN, BULACAN - Nandoon kami noong Biyernes Santo para saksihan ang isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino tuwing Mahal na Araw, ang Penitensya.



Kumuha ako ng mga larawan at karamihan ay madudugo. Natilamsikan pa nga ako ng dugo kakukuha ng litrato at sa gulat ko napa-"Oh my God!" ako, napatingin tuloy sa'kin 'yung isang nagpepenitensya, nahiya ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya sabay alis (kahiya). Hehe...



Sa una nagpapamanhid muna sila ng likod, palo dito, palo doon. Kapag wala pang dugo parang di masakit kung titignan, parang naglalaro lang kasi sila at pasayaw-sayaw pa. Kapag manhid na (siguro) kahahampas ang likod nila ay magpapapalo na sila ng kahoy na may tatlong talim na pinapahid sa saha ng saging. "Whew! I can see the blood running down on their back."






Papaluin nila ng papaluin ang likod habang naglalakad sa kalsada, tirik na tirik ang araw na lalong nagpapalakas ng daloy at tilamsik ng dugo. sige hampas...palo... Lalakad patungo sa bisita at sa bukana ay lalakad ng paluhod at dadapa sa tila nagbabagang semento na nakapormang pakrus. habang nakadapa ay may papalo sa may puwitan at hita nila.






Kung ang iba ay nagtatanong kung bakit nila ginagawa iyon, iyon ay dahil namamanata sila. Karamihan sa kanila ay may kahilingan tulad ng pagpapagaling sa kamag-anak nilang may malubhang sakit.


Nang kumukuha ako ng mga larawan may narinig akong bata na ang sabi, "Ang dami nila, hindi ko sila mabilang.". Tumutukoy iyon sa mga nagpepenitensya.

Kung makikiepal lang ako sa  usapan nila sasabihin kong, "Kahit gaano pa sila karami at kahit mabilang mo sila hindi pa rin non matutumbasan ang mga sakripisyo ni Hesus upang iligtas tayo at mas hindi mo kayang bilangin ang mga kasalanang nagawa nila, ang mga nagawa namin at ang magagawa mo pa."

All great love stories end up tragically. Like when Romeo drank poison for Juliet or when Cleopatra let herself get bitten by a serpent for Mark Anthony or when Jack froze to death just to let Rose be safe from an icy ocean. But nothing is far greater love story than Jesus laying his life as ransom sacrifice for our sins. And that love story doesn't end. How thankful we should be to God who gave his son in behalf of many. (from Meei's text messsage to me)

1 comment:

  1. Grabe pala ang sakripisyo nila para makabawas lng ng kasalanan

    ReplyDelete